United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios.
Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.
Ang timbang saicaualong jalapa at ang timbang saicaualong crémor ay babayuhi,t, hahaluin mong maigui capoua, bago ihulog mo sa isang tazang tubig na mainit-init, na pinaglagaan nang timbang saicaualong hojas de sen . Itong purga,i, caiguihan sa malacas na tauo.