United States or Haiti ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun minsan ang ganoong pagsibol nang baga, yaon ang iquinabubuloc nang baga nang tauo, at yaon din ang iquinamamatay niya. Cun minsan naman hindi tungmutuloy ang pagnanana nang sibol sa baga, cundi naroong matigas na parati, na anaqui yao,i, isang bucol na hindi nag-iiba. Ang tauong may ganitong saquit, hindi gagaling na hamac, datapoua hindi lubhang nahihirapan siya.

Itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag-alis-is. Magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag-iiba ang cainitan n~g panahon, sapagca siya,i, pinapauisan at ang cataua,i, sumisin~gao na maigui.

Ang mucha,i, totoong daling nag-iiba, at ang mata,i, lalo pa, naghahalihalili ang init at ang guinao; cun minsan ay masaquit ang ulo at bay-auang, at cun minsa,i, hindi; cun bagong nagcacasaquit ang tauo,i, cun minsan naliliyo, na ito,i, masama.

Cun hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. Bucod doon mayroong naquiquitang manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos-on, at ungmaabot hangang pusod. Cun ang may cataua,i, lungmulubha ay ungmiitim yaong mancha, na yao,i, masama at mamamatay ang maysaquit. Ang isa pa roon ang may cataua,i, totoong hina, at ang muc-ha,i, nag-iiba.

Ang muc-ha,i, ga nag-iiba, pati nang mata,i, macuyad; saca naghahalihalili ang pagdaan nang init at nang guinao sa may catauan. Sungmusunod dito ang isang malaquing guinao, at tuloy hungmahalili sa guinao ang isang malaquing lagnat, na may casamang saquit nang ulo,t, bayauang. Ang maysaquit ay sumusuca naman, ó ibig sumuca.

Ang voces ay nag-iiba ó nauauala. Cun minsan mayroong masaquit sa tiyan, at ito,i, masama, at caalamalam ang bituca,i, nabubuloc. Ang dila cun minsan ay magaling, cun minsa,i, madilao na maitim. Ang tiyan cun minsan ay malambot; cun minsan nauunat. Ang pulso,i, mahina,t, madalas sa rati.

Cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ó ang tiyan, cundi nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual na parati at hindi lumalagay sa quinahihig-an. Cun minsan nama,i, biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin-oc siya; ang caniyang muc-ha,i, nag-iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura ay nauunat. Datapoua ang maysaquit ay nacacahin~ga.

Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.

Ang color nang lungmalabas, ay dilao ó verde, ó maputi caya, ó maitim cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling nag-iiba cun malaqui ang saquit.

Ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap