United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang muc-ha nang maysaquit ay ungmiitim, ó ga siya,i, quinacaposcapos na nang paghin~ga, ay cailan~gang sangrahang minsan ó macalaua sa paa. Pag ang maysaquit nasaol-an, ay painumin nang caunting alac sa misa cun baga siya,i, mahina, at paamoyin naman nang suca. Saca siya,i, tumanong sa marunong na médico, na siya,i, gamutin at nang houag daanan uli noong saquit na masama.
Ang mucha,i, namamaga, at pungmupula, ó ungmiitim caya; mayroong lungmalabas na bulang maagquit; at capag lungmalabas na ang bula ay yaon ang pagtahan nang saquit; saca ang may cataua,i, nahihilim, at pag naguising ay hindi na-aalaman niya ang nangyari. Ang pulso,i, madalas, at munti cun bago; saca lungmalacas, at sa catapusan n~g hirap, ay madalang at mahina.
Cun hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. Bucod doon mayroong naquiquitang manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos-on, at ungmaabot hangang pusod. Cun ang may cataua,i, lungmulubha ay ungmiitim yaong mancha, na yao,i, masama at mamamatay ang maysaquit. Ang isa pa roon ang may cataua,i, totoong hina, at ang muc-ha,i, nag-iiba.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap