United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pan~galan doo,i, mal de garganta ulcerado, ó garrotillong may sugat . Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay bihira ang di binubucalan sa catauan nang man~ga butil na mumunti, na sa loob nang ilang arao natutuyo at nalalaglag na parang calisquis.
Ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit.
Cun malaqui ang sungmisibol na culebra , yaong casangcapang masaquit ay sinisibulan nang tila lintog, ó pantog na munti, na puno nang tubig na malinao, na ang camuc-ha ay napaso yaong lugar na yaon, at ang tauag nang tagalog dito,i, culebrang tubig . Itong man~ga lintog ay nan~gatutuyo at nan~galalaglag na parang calisquis; cun minsan yaong pinacatubig na nasisilid sa lintog, ay malagquit, na dahil doo,i, nag-cacalan~gib na macapal ang casangcapang nasactan.
Salita Ng Araw