United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bago gumaling-galing ang maysaquit, dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag-aalaga sa caniya. Caya gayón ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa catauan; datapoua,t, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi maano; at cun siya,i, dumahac, umihi,t, pauisan, mauauala yaong hirap na yaon.

Mayroong maysaquit na pinapauisan, mayroong hindi; at pauisan man ay hindi rin gungmagaling; arao-arao lungmalaqui ang lagnat, at sa balang oras; cun minsan naman malimit ang paglaqui at ang pag-unti nang lagnat sa loob nang isang arao; at ang cahulugan noong gayo,i, hahaba ang saquit. Mayroong ibang maysaquit na sinisintacan sa dibdib, at ang inilulura niya ay madilao.

Cun minsan ang tauo,i, pinapasucan sa tayin~ga nang man~ga hayop na munti; at ang mabuti sa lahat doo,i, pahigain nang pataguilid ang may catauan, at sidlan nang tubig ang tayin~ga, at pagcaraca lalabas ang hayop. Ang bulutong na ang tauag nang castila doo,i, viruelas. Bago lagnatin ang tauong bubulutun~gin siya,i, ga namamanglao muna; madaling pauisan siya, at nananab-ang nang pagcain.

Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap