United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cailan~gang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang n~gipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, han~ging nacuculong doon, na ang pan~galan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.

Bago lagnatin ang tauo nang gayong lagnat ay nanab-ang muna siya nang pagcain nang ilang arao; hindi mahimbing ang pagtulog; ang bay-auang pati nang tuhod, ay sungmasaquit; mapait ang bibig cun umaga; mabigat ang ulo, at cun minsa,i, masaquit na totoo: ang may cataua,i, natatamlay.

Datapoua hindi nauaualang parati nang lagnat na munti, at nanab-ang siya nang pagcain, hangang di tumahan ang paglaqui nang culebra. Cun ang muc-ha,i sinisibulan noon, ay sungmasaquit ang ulo, namamaga ang bubong nang mata, ang mata,i, piquit, at hindi mapalagay ang maysaquit.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap