Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 1, 2026
Si Kadiliman ay malungkot may taling panyong puti sa ulo, palaging napaghihiló dahil sa sakit na taglay, na ayon sa sabi n~g m~ga medico ang sakit na itó ay, nabubúlok ang pusô, kaya nanghihina, kung kaya naman napaghihiló nabúbugok diumanó ang utak; nakahilig sa isang mainam na luklukan si Kadiliman, palaging nakatin~gala't pinag-iisip ang kahapis-hapis na buhay na kanilang napagsasapit na mag-anak; nakasanglâ halos ang boong kabuhayan sanhî sa pag-gugol at pagkakándido, at sa taglay na karamdaman.
Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng kanyang mahal na amo, ay siyang pagdating ng dalawang binatang hangós na hangós. Lumapit ang isa kay Elena na noo'y nakahilig sa loob ng sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama'y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong: "Síno ka?" "At ikaw, sino ka?"
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap