United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !
Muling sinugod ni Gerardo ang kaaway, dapwa't namagitnâng mulî si Elena. "Giliw ko, nalalabuan ka ng isip, napadadaig ka sa kainitan ng iyong dugô; huwag oh, huwag! Maghunós dili ka!" "Bayaan mo akó Elena!" "Gerardo, may mga hukuman, may Justicia, may Diyós!" "At may Juancho na di nagugulat sa sanglibong gáya mo, palalò!!" ang pagdaka'y isinabad ng swail.
Samantalang tinutupad ni Kikò ang banal na utos ng kanyang mahal na amo, ay siyang pagdating ng dalawang binatang hangós na hangós. Lumapit ang isa kay Elena na noo'y nakahilig sa loob ng sasakyan at kasalukuyang hinihimatay na naman, samantalang ang isa nama'y sinugod si Juancho at pasigáw na tumanong: "Síno ka?" "At ikaw, sino ka?"
Bigláng nagtindíg ang mabangís na Kápitan at nang másulyapan ang nakangangáng pintô, ay nilapítan ito at inalápat sa pamamagitan ng isang síkad. Kumalabóg ang pintô na ikinabuláhaw ng boong báhay. Pagkatápos ay sinúgod si Gerardo at nagngingitngit na tumanóng: "Anó ang sumúot sa walang hiyâ mong úlo at nakaisip kang gumawâ ng ganitong kaululán?" "Kaululán?
Salita Ng Araw