United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Kadiliman ay malungkot may taling panyong puti sa ulo, palaging napaghihiló dahil sa sakit na taglay, na ayon sa sabi n~g m~ga medico ang sakit na itó ay, nabubúlok ang pusô, kaya nanghihina, kung kaya naman napaghihiló nabúbugok diumanó ang utak; nakahilig sa isang mainam na luklukan si Kadiliman, palaging nakatin~gala't pinag-iisip ang kahapis-hapis na buhay na kanilang napagsasapit na mag-anak; nakasanglâ halos ang boong kabuhayan sanhî sa pag-gugol at pagkakándido, at sa taglay na karamdaman.
Siyang pagdating ni Lolay na galing sa bahay sanglaan at nagsanglâ, inabot-abot ni Lolay ang salitâ ni Kadilimang: «Pag hindi ako nagkaroon n~g katungkulan sa taóng itó magpapakamatay na ako.» Iyan ang masasapit n~g isang gaya mong ibig Apoin n~g lahat, malasin mo itong ating sinasapit na mag-anak, isinangla ko na n~gayon pati n~g naiwang lupa ni ama, n~gayon handá na naman itong iyong gagawin, ¡gastos na katakot takot!