United States or Taiwan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isinuot ni Semel, ibinutones, nilagyan ng sinturon, inalis ang kanyang gorang sira-sira at isusuot sana, datapwa't nakaramdam siya ng ginaw sa ulo at inisip: Ako'y kalbong-kalbo, at siya'y may mahahabang buhok na kulot. At muling isinuot ang gora. Mabuti manding suutan siya ng bota. At pagkaluhod sa siping nuong lalaki, ay isinuot ang mga bota niyang dala.
Napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain, nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. Ng makapasok na ay tumigil na walang kibo at nakatungo. Inisip ni Matrena. Suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari. Nag-alis ng gora si Semel at umupo sa bangko na parang isang batang mabait. Oy, Matrena, aniya pahahapunin mu ba kami? Hindi pa ako kumakain.