United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa. Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.

Para sa kanya ay waring laging mabituin ang langit, laging nasisinag niya ang pagasa, ang ligaya ng palad at kaaliwan ng puso. Kaya sa pagpunta niyang yaon kina Leoning ay boong galak halos naguumapaw sa kanyang dibdib ang katuwaan. Inaasahan niyang malayolayo pa siya ay sasalubungin na agad ng ating binibining taglay ang ngiti sa labi.

Isa't isa'y nagaalay n~g maligayang bati sa matandáng mapalad na magaari sa kagandahan ni Benita. Si matandáng Moneng ay hindi magkasiya sa katuwaan; at n~g masalubong ang m~ga hulíng dumating ay lumapit sa pinto n~g silíd at tumugtóg dahil oras na n~g pagbibihis n~g ikakasal. Kinatóg ang pintuan, n~guni't waláng sumagot; kinatóg na muli at gayón din.

Wala na nga namang napakatamis sa damdamin paris ng nasa sarili. Bagama't noong una ay halos mapalundag siya sa katuwaan sa pagsapit ng Maynila, ay nang nalalaon na ay dinalaw rin ang kanyang puso ng pagkalungkot. Para sa kanya ay wala ring halaga ang maririkit na tanawin na kanyang nakikita sa Maynila, paris ng makita niya ang kanyang kasintahan.

Ano pa't ang auditurium na yaon ay ganap na pugad ng tuwa at kaligayahan ng puso. Isang pugad na pinaghaharian ng tuwang walang kahulilip. Ang lahat ay ngumingiti at mayroon pang maririnig na malakas na halakhakan. Datapwa't sa kabilang dako noon ay may isang puso ring bagama't gayong nasa kandungan ng katuwaan at kaluwalhatian ay paminsanminsan ding dinadalaw ng himutok. Sino kaya siya?

At kung papayag ka'y iyong pifirmahan itong gagawin kong isang kasulatan tandang pagayon mo sa ating usapan na ikaw ay akin magpakailan man. Inaayunan ko ang sagot nang lan~go gawin mo ang sulat at pifirma ako agad na ginawa naman nang Demonio na ang katuwaan ay di mamagkano.

At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita: Ako'y nanatiling mag-isa at hubad na nasa daan. Nuo'y hindi ku pa kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw o ang gutom man.

Sa cawacasa'y bumalíc ang m~ga sundalo, at caniláng sinabing waláng nakita silang bangcâ ó táong síno mang macapagbigáy hinála; nagsabi n~g pautál-utál ang sargento n~g iláng salitâ at sacâ umalis na tulad n~g pagdating: ása guardia civil. Untîuntíng nanag-úli ang katuwâan, umulán ang m~ga tanóng at sumagána ang m~ga salisalitaan tungcól sa nangyári.