United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Wala na nga namang napakatamis sa damdamin paris ng nasa sarili. Bagama't noong una ay halos mapalundag siya sa katuwaan sa pagsapit ng Maynila, ay nang nalalaon na ay dinalaw rin ang kanyang puso ng pagkalungkot. Para sa kanya ay wala ring halaga ang maririkit na tanawin na kanyang nakikita sa Maynila, paris ng makita niya ang kanyang kasintahan.
Nguni't kung ang mga pagkalungkot ko pag tayo'y hindi nagkikita ay nagkakahulugan ng pag-ibig ay ginanti ko ang tibok ng iyong puso. Nguni't ¿hindi ba't ang bagay na iyan ay nangyayari din naman sa magkaibigan na nagmamahalang parang makapatid?
Habang naaabot ng tanaw ni Leoning, si Eduardo ay di nagbabago ang pagkakatitig ng binibini. Sa palagay ni Leoning ay parang isang dapit-hapon ang gayon. Dinalaw rin siya ng munting pagkalungkot. Isang tanaw pa ang inihabol ni Leoning, nguni't, oh! wala na....