United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aking ipinahahayag na sa kadahilanan n~g pagkapasok ko sa K.. K.. K.. n~g m~ga A.. N.. B.. ay naghandog akó n~g isáng mahalagang panunumpa sa n~galan n~g Bayang tinubuan, at sa harap n~g isang kagalanggalang na kapulun~gan nitong Katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat n~g minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol n~g kaniyang banal na kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot n~g hinin~ga.
Walang kailan~gang mamatay sa dusa Huwag ang bawiin ang pagkikilala, Aking katuwaan kung ikaw'y makita Sa piling n~g aliw na di magbabawa. Aking matitiis na sarilihin ko Ang lahat n~g pait sa buhay na ito Kahit ang magtimpi'y halik n~g simbuyó Huwag ang abuting ikaw pa'y magtampo.