United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping. Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito. Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino.

Pagkahinga ng buong lakas ay nag-alis ng balabal ang barini , naupo sa bangko at nagsabing: Sino sa inyo ang maestro sapatero? Si Semel ay lumapit. Ako po, Kagalang-galang. Tinawag ng barini ang kanyang alila; iabot mo sa akin ang katad, Fedka. Buksan mo ang balutan. Ang alila ay sumunod. Itinuro ng barini kay Semel ang katad. Nakikita mo bang maigi, magsasapatos? Opo, Kagalang-galang.

Ang katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa. Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang tinabas.

Nakikilala mo ba kung anong uri iyan? Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing: Iyan po ay pinakamabuting uri. Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo . Si Semel ay natatakot-takot na tumugon: Paanong ibig ninyong kilalaning ko? Mabuti.

Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang valenki na sa kanya'y ipinagawa. Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad.

May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong chuba o pambalabal. Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung kopek . Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad.

Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. Bayaran mo ako, ang sabi sa kanya, at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.

Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong rublo , kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon. Sisingilin ko sa muhik ang limang rublo , aniya, idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang chuba .

Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap