United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung kopek na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang valenki na sa kanya'y ipinagawa. Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung kopek saka yumaong walang dalang katad.
Sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga valenki ; at nagsasalita ng ganito: Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anupang ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit?