United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan. Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad, nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa pagkasandal sa pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man lamang maidilat ang mga mata.

Ako ay hindi tagarito. Bakit nasa tabi ka ng simbahan? Hindi ko masabi. Sinong naghubad sa iyo? Pinarusahan ako ng Diyos. At hubad ka na bang ganyan? Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo akong pinakain at pinainom.

Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw. Sinabi ni Semel: Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit.

Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing. Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.

Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na makahihigit pa kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at unti-unting yumaman si Semel.

Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel. Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon.

Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan.

Parang bakal mandin at di madadaig ng kamatayan ng gayun-gayon lamang. Hinarap ni Semel si Mikhail. Tinanggap natin ang biling ito, aniya, baka tayo'y mapahamak.

Tumindig si Semel, yumukod sa kanya at nagsabing: Napagkikita ko, Mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at hindi kita mapipigil sa aking piling o matatanong man. Sabihin mo lamang sa akin: Bakit ikaw ay napakawalang-imik, at totoong gitla ng ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay? Bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng pagkain?

Salita Ng Araw

magpipipe

Ang iba ay Naghahanap