Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan.

Dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacariñgig nang mañga sigauan nila, at hindi mapalagay-lagay ang canilang loob, pañgaralan man sila nang mañga uicang caalio-alio. Di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting oras man lamang niyong magdamag na yaon.

Saka nang wala nang tunay na makain ang man~ga damit pa'y naipagbili rin nang walang pagkuha'y dito na umatim nang gutom na hindi makayang tiisin. Ang ginalagala'y di rin nagtatahan at natun~go tuloy sa labas nang bayan at doon inabot niyong karamdaman nahiga sa lupa't di makagulapay.

¿Nahiga ca na ba't humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama? ¿di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay n~g sulit na ualang camuc-ha? ¿N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay idamay? sa sama mong quilic, pati n~g catouiran ibig mong bulaguin ... ¡mahalay na asal!

Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa. ¡Dios ko! ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap. Kumare, malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.¿Bakit? Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.

Ibinulóng ni Basilio ang canyáng m~ga dasál, at nahigâ sa tabí n~g canyáng iná na nananalan~gin n~g paluhód. Nacacaramdam n~g ínit at lamíg; pinagpilitang pumíkit at ang iniisip niyá'y ang canyáng capatîd na bunsô, na nag-aacalang tumulog sana n~g gabíng iyón sa sinapupunan n~g canyáng iná, at n~gayó'y marahil umíiyac at nan~gan~gatal n~g tácot sa isáng súloc n~g convento.

Kinamakalawahan, nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na gayari ang nasasabi: "Irog kong Dario: "Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y náhiga na at di tinitigilan ng lagnat." "Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot."

Sa di kawasa'y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng isang laráwan ng unggóy, at itinunggâ ang nangangalingásaw na lamán. Tumikím muna ng makálimá na sinabayan ng limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ. Aywan kung nátulog ó hindî. Pagkaráan ng may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng kanyáng silid.