United States or Guatemala ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saka nang wala nang tunay na makain ang man~ga damit pa'y naipagbili rin nang walang pagkuha'y dito na umatim nang gutom na hindi makayang tiisin. Ang ginalagala'y di rin nagtatahan at natun~go tuloy sa labas nang bayan at doon inabot niyong karamdaman nahiga sa lupa't di makagulapay.
Pagkamangha nila'y paganhing saysayin bangkay ay ginanap yaong paglilibing anak na naiwan ay di rin nagmaliw ang ugaling hayop ang siyang kahambing. Yaong natitirang ari't kayamanan na minana doon sa Amang namatay ay naipagbili sampung pamamahay at naubos naman sa pagayon lamang.