United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa di kawasa'y lumápit sa higáan, inabót sa karátig na lamensa ang isang bóteng kinadidikitan ng isang laráwan ng unggóy, at itinunggâ ang nangangalingásaw na lamán. Tumikím muna ng makálimá na sinabayan ng limá ring tapík sa dibdib bágo náhigâ. Aywan kung nátulog ó hindî. Pagkaráan ng may kalaháting óras ay mulíng binuláhaw ang katahimikan ng kanyáng silid.
¿Kung kanino n~ga, eh? ¡Sa lelang mong panot! ¡Pilya! At biglang itinungga ni Tirso ang nalalabing laman n~g kopang nasa harap niya. Pagkatapos ay nagmukhang malungkot, saka itinanong sa mestisa: ¿Kung iiwan mo n~ga ako, Elsa, ay kanino ka sasama? ¿Nahihibang ka ba, Tirso? ¿Ano ang nangyayari sa iyo? ¿Malinaw ang aking pagiisip.