United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Huwag kayong pakain~gay at maririnig kayo, ang papikpik namang saway ni donya Basilia, at pinapagkubli muna sa isang silid ang maghipag na naguusap samantalang nasa isa pang silid si manang Magda at abalangabala sa pagbibihis. ¡Akala nami'y kung napaano ka na! ang nasabi pa n~g mapagalaalang hipag. ¡Patawarin sana ninyo ako, Dioni! ... pakumbaba pang sagot n~g mestisa.

Nagkakahiyaan noong una datapuwa't ilang saglit lamang ay nagiba na ang kanilang damdamin: waring naguusap ng kusa ng tapatan. Nawala ang mga sandaling kanilang kanina ay pinapaghaharing katahimikan. Waring nangapipi ng hindi naman. Ang naghahari sa kanilang puso ay ang pagirog, ang pagibig na malinis. Magkapiling ngayon ang kanilang mga damdamin na waring mga dati'y nabilanggo.

Ang kalesang sinasakyan ni Elsa at ni Tirso na isang de primerang walang taglay na bilang sa likod at hila n~g isang masipag na kastanyong ayaw manding madiktan n~g pamalo sa katawan, ay sinusundan n~g dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat n~g gusali n~g "Germinal" at paakyat sa tulay n~g Ayala, nang masalubong n~g isa pa ring kalesang kinalululanan naman n~g dalawang lalaking sa wika ni Cervantes naguusap.

Ang dalawang matanda'y marahang lumapit sa naguusap. Sinalubong naman n~g makatang nakahiga n~g isang malugod at magalang na n~giti. ¿Kumusta? ang may kapalagayang loob na bati ni donya Basilia na parang inaaming hindi na iba sa kanya ang lalaking iyon. Mabuti na po naman daw, ayon sa mediko ... mabanayad na pakli ni Tirso.

Sumunod sa ganitong napalakas na salita ni donya Basilia ay biglang nagtaas n~g ulong parang nagulat ang isang matandang babaeng nasa kabila n~g pinto n~g silid na hinaharap n~g pagkakaupo ni Elsa. ¡Dios ko! ang pabulalas na sigaw na narinig n~g dalawang naguusap. Kumare, malakas na tawag ni donya Basilia sa nasa silid.¿Bakit? Ang matanda ay muling nahiga, bago tumugon.

Kaya't dalawang binatang waring lubos na nasasabik makasayaw si Leoning ang naguusap ukol sa binibini. Kung ako lamang ay magkakapalad na makasayaw sa dalagang yaon ay kay palad ko na. Ako man ang sambot naman ng kausap. Napakaganda kung kumilos, ano hindi ba? Oh! kilos ba lamang? Pati mga titig niya ay lubos ng makabaliw sa isang puso.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap