United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't bago lamang niyang wawahiin ang tabing ng pintuan ay waring napauntol siya sa pagkarinig niya ng salitang: Leoning, buhat pa nang kayo ay makasayaw ko na ginanap sa tahanan ng Don Gonzalo sa San Marcelino ay inibig ko na kayo noon at hanggang sa ngayon ay walang ibang nagbibigay balisa sa aking damdamin kundi kayo lamang.

Kaya't dalawang binatang waring lubos na nasasabik makasayaw si Leoning ang naguusap ukol sa binibini. Kung ako lamang ay magkakapalad na makasayaw sa dalagang yaon ay kay palad ko na. Ako man ang sambot naman ng kausap. Napakaganda kung kumilos, ano hindi ba? Oh! kilos ba lamang? Pati mga titig niya ay lubos ng makabaliw sa isang puso.

Karamihan pa naman ay mga kilala't tanyag na mga kabinataan ang nagaagawang siya ang maging palad na makasayaw. Hindi nga kaya ang isang Leoning ay magbago ng loob sa gayong mga pagkakataon at limutin ang isang Eduardo? Mga kilala at tanyag na mga tao pa naman ang waring nagsisipaghagis sa kanya ng mga irap na may kahulogan at ibig sabihin.

Ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon...? Sadya kayang ipinakilala ni Leoning si Daniel Perez kay Ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si Eduardo? Aywan natin. Ang pagkakataon nga naman! At ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. Datapwa't ang lahat nga para kay Eduardo ay waring nagiiba.