United States or Bhutan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Matatapos na ang paguusap nang lihim ng kanilang mga mata kung sakali't nahihinto ang kanilang paguusap. Kinabukasan ay hindi na mauulit ang ganito. Aalis na si Eduardo at ang pangyayaring ito ay tila isang tinik na susubyang sa kanyang puso. Magkakahiwalay silang maluwat. Kay lungkot na mga sandali! Kay Eduardo man ay gayon din.
Ano kaya ang kahulugan ng mga pangyayarin yaon...? Sadya kayang ipinakilala ni Leoning si Daniel Perez kay Ester upang kasayawin at makasayaw naman niya si Eduardo? Aywan natin. Ang pagkakataon nga naman! At ngayon ay minsan pang nagkatagpo ang dalawang pusong waring nagkalayong maluwat. Datapwa't ang lahat nga para kay Eduardo ay waring nagiiba.
Humahalimuyak at ang pagkakaanyo ay daig pa ang isang dalagang lalong kaakitakit. Walang iniwan sa dalaga ang asawang yaon ng ating walang malay na si Daniel Perez. Kung nalalaman nga lamang naman ng kahabaghabag na si Daniel ang mga ginagawa sa kanya ni Leonora ay marahil ay maluwat nang kanyang loob ay pinagpuyusan ng galit.