Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Oktubre 2, 2026
Tumindig si Mikhail, iniwan ang ginagawa, nag-alis ng tapi, yumukod sa mag-asawang panginoon niya at nagsabi sa kanilang: Patawarin ninyo ako, mga panginoon, pinatawad na ako ng Diyos. Patawarin naman ninyo ako. Napagkita nina Semel, na si Mikhail ay nagliwanag.
Tumindig si Semel, yumukod sa kanya at nagsabing: Napagkikita ko, Mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at hindi kita mapipigil sa aking piling o matatanong man. Sabihin mo lamang sa akin: Bakit ikaw ay napakawalang-imik, at totoong gitla ng ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay? Bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng pagkain?