Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 6, 2025
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa. Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang. Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
Si Matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. Tumigil sa may kusina, saka minasdang isa-isa, na iiling-iling at di kumikibo. Nahalata ni Semel na galit ang kanyang asawa; nguni't anong gagawin? Sapagka't walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at sinabing: Maupo ka, kapatid. Humapon tayo. Ang kasama ay naupong walang imik. Ano Matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan?
Babayaran ka namin n~g doble , abutan lamang natin ang isa sa tatlong kalesang iyon, sinabi pa ni Martinez sa kutsero. At ang kutsero, sa panghahawak sa karan~galan n~g pan~gun~gusap n~g m~ga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang n~g sunod sa bawa't sa kanya'y sabihin, samantalang ang likod n~g kabayo'y siyang nag-uumasó halos sa malimit na lagpak n~g pamalo. ¡Kaliwa! ¡Kanan!
Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.
At ang tinatawag ay patuloy na walang imik at nanunuwid sa pagkakahilig sa balikat niya. Siyang pagharap n~g isang kutserong dukha n~guni't dapat uliranin n~g m~ga kapwa niya maralita: mapitagang inihandog ang kanyang kalesang nakatigil sa isang panig n~g liwasan.
Isáng mahigpít na paguúsig ng Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hangad ng báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng araw na iyón. Noón di'y nátiwalag sa katungkúlan si Kápitang Memò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng madlâ; dapwa't oh! ang kanyáng póot!.... Siya'y umuwî na anaki'y isáng ulól.
Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel. Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon.
Sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam n~g mestisa ang nangyaring pagkapagsalita sa kanya n~g kanyang kapatid dahil kay Tirso, at kahima't naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot n~g sugat na ito, huwag na hindi magbitiw n~g kahi't anong payo ang makatang hantun~gan n~g kanyang dilang paghan~ga, ay napipipi siya't nagsasawalang imik na lamang at sukat.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap