United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya't matamang pinagmasdan ni Leoning ang sakay samantalang umiibis sa sasakyan. Nguni't ang hinalang yaon ni Leoning ay nabigo. Yao'y isang lalaking matanda na: ang kapatid ng ali ni Leoning, si mang Alejandro.

Datapwa't anong palad, nasa harapan pa lamang siya ng kanilang tahanan ay siya namang pagdating ng asawa na noo'y sakay sa kanyang autong "Cadillac". At, sa pagkamalas na iyon kay Leoning ng asawang bagong dating ay kinabahan siya ng dibdib. Ano kaya ang kanyang masasabi, hindi kaya tuloy mapuna pati ang kanyang ayos? Sinasasal ng tibok ang kanyang puso ng isang malakas na bungtonghininga.

Lahat ng mga taong nabuhat doon ay paraparang nasa kanila ng pamamahay. Nguni't walang ano ano'y sa darating ang isang auto. Anong galak ni Eduardo! Halos mapalundag sa tuwa pagka't sila ay magkakatagpo. Halina at salubugin natin sina Leoning. At, sila ay sabaysabay na nagsipanaog dahilan sa pagasang sa pagibis ng sakay ay aanyayahan sila ni Leoning, na pumanhik muna, sa kanilang tahanan.

Sa tabi ng bintana ay madalas mapatigil ang kanyang pagbuburda na malayo ang titig at waring may malalim na iniisip. Noo'y isang masayang umaga. Walang anoano'y isang autong "Buick" ang huminto sa tapat ng kanilang bahay. Ang autong ito ay galing sa Maynila. Sino ang lalaking sakay? Ang kasintahan kaya ni Leoning? Si Eduardo kaya?

Nabigo siya ... Saan nga naman napunta sina Leoning, si aling Rita at ang matandang lalaking kasama nila: si mang Alejandro? Bakit nang dumarating na ang auto ay hindi sila sakay? Saan kaya sila nangaroon ngayon? Saan nga naman naroon? Saan kaya natin hahanapin? Saang bahagi ng siudad sila nagsipunta? Saan natin hahanapin sa magusot na siudad ng Maynila?

Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay na isang barini o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang pintuan. Ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang isang sulok ng kabahayan.

Hindi maaaring sila ay mapahiya sapagka't si Eduardo ay kilala ni Leoning at bukod pa sa rito'y kilala rin siya ni aling Rita. Datapwa't kay laking kasamaang palad! Nabigo ang kanilang pagasa. Bakit? Ang autong tumigil ay walang sakay kundi ang Tsuper.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap