United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya upang hwag mahalata pati niyong tsuper ay ginawa ni Leoning ay iniutos ngang padaanin sa Hardin Botaniko upang bumili ng mga bulaklak. At, upang makagawa ng paraan sa pagtungo sa tahanan ni Eduardo ang matalinong si Leonora ay iniuutos na din sa tsuper na ang auto ay idaan lamang sa gayong mga lansanhgan at may dadalawin siyang kaibigan na kanyang naging kadalaga.
Hindi maaaring sila ay mapahiya sapagka't si Eduardo ay kilala ni Leoning at bukod pa sa rito'y kilala rin siya ni aling Rita. Datapwa't kay laking kasamaang palad! Nabigo ang kanilang pagasa. Bakit? Ang autong tumigil ay walang sakay kundi ang Tsuper.
Ihinto mo na rito ang wika ni Leoning, pagdating sa tapat ng kinatitirahan ng ating binata. At inihinto naman ng walang malay na tsuper na ang pagkakaalam ay ang pinanhik ni Leoning ay tahanan ng isang kaibigang dalaga. At mapalad na pumasok ng silid ni Eduardo ang malakas na loob na si Leonora. Eduardo ang kaagad na bati ng dumating. Leoning, Leoning ... na, nakilala agad ang tinig ng nagsalita.
Salita Ng Araw