United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Baka kaya siya ay mabigo ah? At, siya ay binati ng asawa. Leonora, saan ka pupunta at ang gayak mo ay di pangkaraniwan? Daniel ang sagot naman agad nakalimutan kong ipagbilin kanina sa iyo, nang ikaw ay umalis ang pagpapabili ng bulaklak sa Hardin Botaniko, kaya ako'y siya nang nanaog upang bumili ang pailas ni Leoning na ang puso ay may kaba, na mabuti at walang kamalaymalay ang asawang kausap.
Kaya upang hwag mahalata pati niyong tsuper ay ginawa ni Leoning ay iniutos ngang padaanin sa Hardin Botaniko upang bumili ng mga bulaklak. At, upang makagawa ng paraan sa pagtungo sa tahanan ni Eduardo ang matalinong si Leonora ay iniuutos na din sa tsuper na ang auto ay idaan lamang sa gayong mga lansanhgan at may dadalawin siyang kaibigan na kanyang naging kadalaga.
Salita Ng Araw