Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 4, 2025
Upang mapatunáyan ang lahat ng ito, si Gerardo ay nagharáp sa papúlong na iyón ng maráming saksí. Natatangì sa mga itó ang isang babáeng may ápat na púng taón na maráhil. Dukhâng-dukhâ ang kanyang pananamit na bukód sa nanglilimahid na, ay punít punít pa. Sa haráp ng mga táong doo'y natitípon, ay isinalaysay ng babáeng ito ang napakalungkót niyáng kabuháyan.
Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghingi kay Kápitang Memò na magbitiw ng tungkól, lahát ng nangaróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mga dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila'y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi! Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng isang pulís. "Ipinatatáwag pô kayó ng presidente". "Saan siya nároon?"
Isáng mahigpít na paguúsig ng Gobernador ang sumunód. Inahayág sa kanyá ni Gerardo ang hangad ng báyan na pinagkáisahán sa papúlong na idináos sa umága ng araw na iyón. Noón di'y nátiwalag sa katungkúlan si Kápitang Memò. Walâng imík na tinanggáp niyá ang gayóng pagkápahámak sa matá ng madlâ; dapwa't oh! ang kanyáng póot!.... Siya'y umuwî na anaki'y isáng ulól.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap