Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 15, 2025
Yaong "makahiyang" mahinhi't mayumi n~g iyong hawaka'y hindi man nan~gimi, paano'y may galing ang iyong daliri't ang m~ga kamay mo'y banal, tan~ging tan~gi. Sa puso'y tumubo ang isang paghan~ga, naguhit sa pitak ang isang diwata, aywan ko kung ikaw! At tila ikaw n~ga! Subali't Mayumi, ¿ikaw'y maaawa?
Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya si Elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay.
Bakit pa lumaki't natutong human~ga't ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha? Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila Ibong walang laya't lagas na sampaga, Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y Lason at patalim ang magpapabawa. Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong, Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy, Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.
Sa isang gawi n~ga'y may katotohanan kung ganyan ang iyong magiging isipan, n~guni't alamin mong malinis na tunay ang isang maruming nagbago n~g buhay. Magpahangga n~gayo'y iyong mawiwika na ikaw'y akin pang sinisintang kusa , magiging totoo ang iyong hinala kung ang puso'y muling hagkan n~g paghan~ga.
Magarang magarang animo'y bituing nahulog sa lupa, kung minsa'y nagiging hibang itong diwa at kung magkaminsa'y para akong bata, paano'y hindi ko masukat sa haka ang nararapat kong ihaing paghan~ga. Kung kita'y itulad sa dakilang araw at ako ang lupa, ang lupang tuntun~gan, ay masasabi mong ako'y walang galang at ako ay bihag niyong gunam-gunam. Subali't butihin!
Kung linggo n~g hapon, si Elsa ay masigla ang katawang nagsasadya sa Luneta, at doon, kaabay n~g makata n~g kanyang m~ga pa~ngarap, ay nagyayao't dito sa lahat n~g dako, samantalang ninanamnam n~g kanyang kaluluwa ang nagpapainamang tugtugin n~g banda n~g Konstabularia na nagiging marapat sa dilang paghan~ga.
Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.
Ibig ding lumipad magsaibong sasalun~ga sa hihip n~g han~gin upang maawitang parati n~g kanyang pagibig, masuob n~g kamanyang n~g paghan~ga't masabugan n~g bulaklak n~g papuri ang karilagang tan~gingtan~gi n~g kanyang liyag....
Sa wakas, bagaman sugat na dinaramdam n~g mestisa ang nangyaring pagkapagsalita sa kanya n~g kanyang kapatid dahil kay Tirso, at kahima't naidadaing niyang malimit ang kinirotkirot n~g sugat na ito, huwag na hindi magbitiw n~g kahi't anong payo ang makatang hantun~gan n~g kanyang dilang paghan~ga, ay napipipi siya't nagsasawalang imik na lamang at sukat.
Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid n~g pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g pagpapakabalisa ni Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi kabaliwan? Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap