United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bakit pa lumaki't natutong human~ga't ang paghan~ga pala'y kapatid n~g luha? Puso ko'y malungkot! Malungkot na tila Ibong walang laya't lagas na sampaga, Sa pasan-pasan kong mabigat na sala'y Lason at patalim ang magpapabawa. Ang ayos n~g mundo ay isang kabaong, Nagtayong kalansay ang puno n~g kahoy, Dila n~g halimaw iyang m~ga dahon At sigaw n~g api ang in~gay n~g alon.
Oh! m~ga bulaklak n~g nagtayong kahoy at ikaw amihang malamig na simoy magbalita kayo n~g aking pagtaghoy sa kinalalag-yan n~g ihihinahon. Kayong sarisaring ibong lumilipad at ang palay palay na han~ging habagat ibalita ninyo ang daing n~g hirap sa kinalag-yan n~g ipapanatag.
= Juan L. Arsciwals. = Tundo, Maynila, S. P. Sept. 8, 1915. Umaga n~g ika 29 n~g Hunio n~g 1914. Ang maluwang na daang Azcarraga, sa dakong Tundo sa panulukan n~g daang Ilaya, na kinatatayuan n~g isang malaking pagawaan n~g tabako, ay marami ang nagtayong m~ga manggagawa; m~ga babai't lalaki, matatanda't bata. Pulúpulutóng ang pagkakaáyos.