United States or Czechia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsisiluan n~g mahahabang serpentina . Lumalakad n~g papasingpasing; umaanyo n~g katawatawa; nagpapahid sa mukha n~g kung anoanong kulay; n~gumin~gisi, sumisigaw, humahalaklak ... Anopa't kung ang Bathalang sinasamba n~g m~ga taga mundong ito ay siyang tunay na Bathalang nakababatid n~g tanang ginagawa n~g Kanyang m~ga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag n~g Kanyang poot ang gayong pagdurumog n~g Kamaynilaan sa walang habas na pagdiriwang bilang tanda raw n~g pasasalamat sa Kanya tuwing sasapit ang paghahalili n~g m~ga taóng binibilang sa kabuhayan n~g m~ga tao.
Sinasabing batong magkakasing timbang muntí sa malaki ang bigat at gaan ang tawong nilikha sa aking palagay guinoó ma't dili iisa rin lamang. ¡Ay mundo! ¡ay mundo! ¿kailan pa kaya ang ipag babago n~g asal mong sama? Dalmacia'y malí ka n~g pag-uunawa ang mundo'y talagang bayan n~g dalita.
Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag. Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.