United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsisiluan n~g mahahabang serpentina . Lumalakad n~g papasingpasing; umaanyo n~g katawatawa; nagpapahid sa mukha n~g kung anoanong kulay; n~gumin~gisi, sumisigaw, humahalaklak ... Anopa't kung ang Bathalang sinasamba n~g m~ga taga mundong ito ay siyang tunay na Bathalang nakababatid n~g tanang ginagawa n~g Kanyang m~ga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag n~g Kanyang poot ang gayong pagdurumog n~g Kamaynilaan sa walang habas na pagdiriwang bilang tanda raw n~g pasasalamat sa Kanya tuwing sasapit ang paghahalili n~g m~ga taóng binibilang sa kabuhayan n~g m~ga tao.