Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 5, 2026
Sa harap n~g sulat na iyong hindi gumagamit n~g anomang bahid n~g pagpapakunwari, ¿ano pa ang magiging katuturan n~g pagpapakabalisa ni Tirso sa isang babaeng gaya ni Teang kung hindi kabaliwan? Magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala n~g paghan~ga sa sinapupunan n~g Kapisanan.
Datapwa't magpakabaliw sa babaeng humahalakhak at umooroy sa kanyang kasawian ay iyan na ang sukdulan n~g kahalayan na hindi sukat makita sa isang paris ni Tirsong paano't paano man ay may pan~galan na ring nakikilala sa maraming lipunan. Kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailan~gan na ni Tirso ang makiayon sa tadhana n~g kanyang palad.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap