Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 20, 2025
Oo't naghanda ako; nguni't hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang sa mawalan ka ng isip ... Ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at umuwi ka pa ng walang kapote. Sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng isang hampas-lupa. Ako'y walang maipahahapon sa mga lasing. Siyana, Matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang pag-usapan.
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa. Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang. Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
Sa aba ng balabal, at pati ng kaisa-isang kapote ay ibinigay pa sa isang hampas-lupa na dinala rini sa ikadaragdag sa hirap. Eto ang kuwarta at saka dinugtungan. Wala akong hapunan; hindi ako makapagpapakain sa mga hampas-lupang lasing. Oy, Matrena, huwag kang maingay at dinggin mo iring aking sinasabi! Ako! Makinig ng mga kaululan ng isang walang hiyang lasing!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap