United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. Pagkatapos ko ng "segunda enseñanza" ay magaaral ako ng "medicina" at ako ang magpapagaling sa iyo. At samantala'y dumating tayo sa harap ng ating bahay. Ikaw ay nagtuloy sa inyo at ako nama'y sa amin. Ikaw ay sinalubong ng galit ng iyong tatay at ako nama'y ng maligayang ngiti ng minamahal kong ina. Buwan ng Mayo.
Oo, kung hindi ka na rin maliligo ang sagot mo. Aba ang salo ko naman ¿maaari bang huwag akong maligo sa ako'y may sakit at ang pagpaligo sa dagat ay nakagagaling sa akin? A, sa makatwid ay maliligo rin ako. Huwag, sundin mo ang iyong tatay. Oo, susundin ko siya kung sa inyong bahay ka maliligo. ¿Bakit, ayaw ka bang gumaling ako? ¿Bakit ayaw? Gayon pala'y....