United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaawaawang babaeng nagsukab na ngayon ay lubos ang pagluha at pagsisisi! Tuwing hapon ay dinadalaw ang libingan ng kanyang naging asawa na pinagtataksilan at sa ibabaw ng hukay ay pumapatak ang luha at ganap na nagsisisi.

Wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa.... Oh! diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? Kay samasama! Anong samang pakinggan! Nagtaksil, nagsukab ang asawa. Kay samasama nga naman!

Nagpakamatay siya sapagka't siya na rin ang nasilaw sa kawalanghiyaang ginawa ng asawang nagsukab at kung hindi niya mapangilagan ang masamang ibubunga noon ay isang kabulukang kanyang tatamuhing pagkasamasama. Inilagan niya ang masasamang asal ng asawang sukab at minatamis pa ang mahimlay sa lupang hantungan ng lahat.

Hindi kaya niya maipalagay na kung marinig na lamang niya ang isang salitang "nagsukab" ay di pa kaya siya parang tumanggap ng isang mariing sampal na tumama sa panga. Pinagsukaban! Oh! kay samang pakinggan!

Ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? Ano ang sasabihin sa kanya? Walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. Oh! pagkasamasama! Wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. Diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo't ganito ang nangyari? Kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! Ang kanyang asawa'y nagsukab! Kay samang pakinggan!

Demonio'y minsan lamang na nagsukab sila'y ibinulid sa balon nang hirap at hindi nangyaring sila'y pinatawad at parusang walang hangga ang nalan~gap. At mayroon namang isang magasawa na ang anak nila ay lalaking isa at sa kabuhaya'y may lubos na kaya na hindi rin naman sukat kulan~gin pa.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap