Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 13, 2026
Ano kaya ang sasabihin kung mamalayan ng madla? Ano ang sasabihin sa kanya? Walang ulo, walang dangal at niluko ng asawa. Oh! pagkasamasama! Wala nang nakapagbibigay lumo sa kanyang katawan kundi ang mga suliraning ito. Diyata at ipagtatapat niya sa harap ng hukuman na gayo't ganito ang nangyari? Kay saklap na sabihin at nakahihiyang totoo! Ang kanyang asawa'y nagsukab! Kay samang pakinggan!
Diyata at hanggang sa harap ng hukuman ay kanyang sasabihin ang mga kabulukang dapat niyang ipaglihim at di dapat ipamalay sa tao? Maisalaysay kaya niyang lahat? Tila nakahihiyang sabihin!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap