Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 12, 2026
Sa harap ng isang mesa ay maligaya silang nagsisipagusap: Pako, bakit mo nakilala ang dalagang yaon? Kilala ko siya, nguni't hindi ko lamang kabatian. Hindi ko pati nalalaman kung ano ang kanyang pangalan. Kailan mo pa siya nakita? Hindi na marahil ngayon kukulangin sa isang buwan. Eduardo ang sabad naman ni Jose tila may ibig sabihin ang mga pagkikita ninyong yaon. Hindi ba?
Nguni't sa akala mo naman kaya ay di tayo kaabaan na makayapak sa kanilang tahanan? Nasa iyo iyan kaibigan. Kabatian ko ang binibini, isa pa ay tunay ko siyang kababayan. Marahil ay hindi naman tayo mahihiya. Kung gayon ay may pagasa tayong makapanhik; nguni't aywan ko lamang ... hindi ko pa rin lubhang natataho ang kaugalian ng matanda.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap