United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di co man auitin, bumabasang ibig, sa caya cong capos, balac na nang isip humiguit cumulang ang touáng sinapit Julieta't Romeong sa tulá'y pantamis. Ang di pag-sambahay, pagcat sauing maquiat Romeo'y mapanhic tahanan n~g liyag, binubun~ga y sabic na pandag-dag sicat sa quinamtang ticang ang linis laganap.
At n~gayong lagac na ang catauang buhay n~g abang Julieta sa quinalibin~gan, lumbay n~g may tungcol marapat nang iuan Romeo'y sa dugtong n~g hirap tunghayan; N~gunit ang mata mo cung baga nangauit mapapahin~ga na, bumabasang ibig, pagcat malapit nang maquiat ang sing-ibig sa tuctoc n~g dusang sa buhay pamatid.
N~gunit cung tulot man sa caniya ang maquiat sa bintana lamang u upo't di lampas, ang isa sa paa sa hagdan din tapac si Julieta'y naman patayo't caharap.