United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !


Paglabás ni Edipo sa tiyan n~g caniyang iná, ay ibinigay n~g amá sa isang pastor, at ipinapatay, sa pagca,t, ang sabi sa Oráculo ni Apolo na ang sangól na itó ay cun lumaqui, ay siyang papatáy sa caniyang amá, sa aua n~g pastor ay isinabit na lamang n~g patiuaríc sa isang cahoy sa bundoc; sa cai-iyac n~g sangól ay naraanan ni Forbante, pastor ni Polivio, na Hari sa Corinto at ibinigay sa Reina Merope na asaua ni Polivio; ang Reina sa pagca,t, ualang anác, ay pinarang anác ang sangol.

Naraanan ko ng buong lugod ang mga talatang naglalarawan ng mga "kamusmusan" nina Edeng at Manuel, ang matatamis na sandaling yaon ng kanilang paglalaro ng mga larong ganap na tagalog gaya ng taguan, piko-piko, tubigan, at dumating ako sa mga talatang ang dalawang musmos ay unti-unti nang nangasisipasok sa mapanghalinang "buhay ng damdamin". Pagdating ko rito ay lalong nagulol ang pagkagiliw ko sa aklat kaya't buong pananabik kong sinundan si Edeng at Manuel hanggang sa makarating sa huli.

Di mámacailang mupo ang panimdin sa puno n~g mangang náraanan natin, sa nagbiting bun~gang ibig mong pitasín ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu. Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit, himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git Paraiso namán ang may tulong silíd.

Hindi nacácarin~gig ang ulól na babae, sinúsundan siyá n~g anác na humihin~gal. Naraanan na nilá ang m~ga pananím at malapit na silá sa gubat. Nakita ni Basiliong pumasoc sa gubat na iyón ang canyáng iná at siyá'y pumasoc namán. Ang m~ga damó, ang maliliit na cahoy, ang matiníc na m~ga yantóc at ang m~ga ugát na umuutláw sa lupá ay nan~gagsisihadláng sa tacbó n~g dalawá.

Ang sagot nang ermitaño don Juan iyang hanap mo, maghihirap cang totoo at ang ibo'i, encantado. Isinagót niya naman cahit aquing icamatáy, ituro mo po ang lugar at aquing paroroonan. Ang sagot nang ermitaño don Jua'i, maquiquita co, na cun bagá nga totoó ang pagsunód sa amá mo. Ang cahoy mong naraanan cauili-uiling pagmasdan, yaon ang siyang hapunán nang ibon mong pinapacay.