United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paglabás ni Edipo sa tiyan n~g caniyang iná, ay ibinigay n~g amá sa isang pastor, at ipinapatay, sa pagca,t, ang sabi sa Oráculo ni Apolo na ang sangól na itó ay cun lumaqui, ay siyang papatáy sa caniyang amá, sa aua n~g pastor ay isinabit na lamang n~g patiuaríc sa isang cahoy sa bundoc; sa cai-iyac n~g sangól ay naraanan ni Forbante, pastor ni Polivio, na Hari sa Corinto at ibinigay sa Reina Merope na asaua ni Polivio; ang Reina sa pagca,t, ualang anác, ay pinarang anác ang sangol.
Nang lumaqui si Edipo, ay na pa sa Tebas, sa paglalacad ay napatáy niya ang caniyang amáng Haring Layo, na hindi naquilala at nag-asaua sa caniyang iná, na di rin niya naquilala: ang naguing anác ay si Eteocles at si Polinice, na nagbabaca hangang man~gamatáy sa pag aagauán ng Corona. NANGYAYARI. Hindi "nangyari", gaya n~g nasa "Kun sino ang kumatha ng Florante" at ng sa iniingatan ni Dr.