United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !


At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam na sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan sapagka't tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin.

Nakilala ni Tirso si Teang na isang anak na may likas na pagkamagalan~gin sa kalooba't pasya n~g magulang saka nagtataglay pa n~g isang pananampalatayang di kuno'y nasusumang sa ganang kanya. ¿Maliwanag pa kayang hinagapin, sa gayong paghihintay na walang napapala kundi pagkabigo, na ang pagkakaibang iyan n~g kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing sanhi n~g pagayaw n~g ina, ay siya rin namang maging dahil n~g di pagdating n~g sulat na pinakahihintay?

Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang.

Malayolayo pa rin po, itinugon n~g matandang nakapatag n~g upo sa isang dulo n~g sasakyan at walang tahan n~g kasasagwan. At si Tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: ¿Ikinaiinip mo na ba, Elsa, itong pamamangka natin? At ang mestisa'y pumakli: Baka ako'y pinakahihintay na n~g aking kapatid....

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap