United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam na sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan sapagka't tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin.

Pagsapit n~g oras na ito, ay nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan n~g himpapawid ang m~ga sipul n~g m~ga pagawaan at sasakyang dagat; ang m~ga batin~gaw ay magsisiawit n~g ubos kaya mula sa kanikanilang kinalalagyan sa m~ga taluktok n~g simbahan, hudyat na nagbabalita sa lahat na bagong yugto na naman n~g panahon ang humahandog sa buhay n~g tao.

Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: ¿maganda, ano? ¡Iyan ang talagang maganda! Pues maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin.... ¡Pshe! Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong Kamaynilaan. Nasa Corregidor na, ang parang wala sa loob na nasabi ni Tirso.

Kung ibig mo'y dito na natin antabayanan ang paghihip n~g sipul n~g yelo, at kung malapit nang aahon si Quezon ay saka na tayo lumabas. Mabuti n~ga yata. Bakit ay masama pa, ang lagay n~g panahon: ang ula'y tila papalakas pa. At ang dalawa ay nagpako n~g nawiwiling m~ga mata sa iba't ibang pangyayaring nakapagpapakaba n~g loob na ipinakikita n~g palabas na iyon.

N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.

Ibinabalita na n~gang kasalukuyan n~g m~ga sipul n~g pagawaan n~g yelo n~g pamahalaan at n~g m~ga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid n~g ilog Pasig ang maluwalhating pagpasok n~g taong 1916, nang si Elsa at si Tirso ay magkakawit ang m~ga palad na sumasakay sa isang munting bangka na, animo'y maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw n~g mahinhing agos n~g ilog sa may Nagtaha na ang tubig noo'y nakikikulay sa kadiliman.

Salita Ng Araw

pinag-uusisa

Ang iba ay Naghahanap