United States or Niue ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.
Tayna n~ga kaya lumabas, Elsa, maalapaap na amuki n~g lalaki. N~guni't walang anoman, Tirso: hindi ako maaano ... pabalatkayong bawi n~g dalaga. Maminsanminsan ay talagang sumusumpong sa akin ang ganitong sakit ... Ibig kong tapusin nating sandali ang pelikulang iyan bago tayo umalis. ¿Sa palagay mo kaya'y maaari ka pang makapanood n~g pagahon ni Quezon? Oo.... Baka makasama sa iyo. Hindi....