United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.

Ang damdamin at palagay na kanyang nadadama sa bawa't kilos at pan~gun~gusap n~g makata nang gabing iyon, ay talagang di na kagaya n~g dating may lamig n~g yelo n~g pagkawalang pakiramdam, kundi may init na n~g apoy n~g isang kaloobang pinapagaalimpuyo n~g lihim na pagiimbot.

Ibinabalita na n~gang kasalukuyan n~g m~ga sipul n~g pagawaan n~g yelo n~g pamahalaan at n~g m~ga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid n~g ilog Pasig ang maluwalhating pagpasok n~g taong 1916, nang si Elsa at si Tirso ay magkakawit ang m~ga palad na sumasakay sa isang munting bangka na, animo'y maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw n~g mahinhing agos n~g ilog sa may Nagtaha na ang tubig noo'y nakikikulay sa kadiliman.

At samantalang pinakahihintay sa sarili ni Tirso ang nababalam na sipul n~g yelo, si Elsa nama'y nakararamdam n~g kasiyahan sapagka't tila pinapatnubayan n~g mabuting pagkakataon ang kanyang binabalak na gawin.

Tin~gnan mo, tin~gnan mo ang babaeng iyang nasa pelikula: ¿maganda, ano? ¡Iyan ang talagang maganda! Pues maganda ka pang hindi hamak diyan, kapag ganyang tila ka nagtatampo sa akin.... ¡Pshe! Siyang pagkarinig sa sipul n~g pagawaan n~g yelo: tatlong mahahabang huni ang sunodsunod na ipinaghumiyaw sa boong Kamaynilaan. Nasa Corregidor na, ang parang wala sa loob na nasabi ni Tirso.