United States or Tajikistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapwa't ang lahat nang itó, ang lahat nang balak at naiisip gawin, ay napipigilan, sanhi sa m~ga pan~gun~gusap at hatol na ibinibigay ni Mauro. Sa pamamagitan n~g maaayos at maliliwanag na pagmamatwid ay nakukuhang payapain ni Mauro ang mapupusok na kalooban n~g kanyang m~ga kasama sa haráp n~g namamalas na nalalapit na pagkabigo n~g aklasan. Huwag anya huwag.

Pawang pagkabigo nga lamang ang nangyari sa kanya. Saang lipunan niya makikita ang kanyang iniirog? Oh, Maynila iyan pala ang Maynila, iyan pala ang iyong kahiwagaan! Kay gusot na siudad! At, si Leoning sa kanyang pagiisa ay minsan ay nasasabi na lamang sa sariling: Oh, ito ba ang Maynila? Kay gusotgusot pala! Ang lahat nga lamang para sa kanya ay pagkabigo.

Saan naroon sina Leoning, ang ali at ang matandang lalaki na kasama nito kanina sa pagliliwaliw sa Luneta, na pinagkatagpuan nila ni Leoning, na daglian? Kay samang pagkakataon! Isang pagkabigo na naman ang naging palad ng ating binata. Gayon pala ang mangyayari kung sila man ay pagkita ni Eduardo: Magkatanaw-tama na lamang ang kanilang mga titig.

Ang pangyayaring ito ay sinikap na ng ilang mga kakilala at pantasona mga manggagamot datapwa't hindi mabigyan ng kapit na lunas ang kanyang karamdaman. Ilan nang manggagamot ang sa kanya ay lumapit at nagadhikang mapilit na mapagaling, datapwa't pawang pagkabigo lamang at wari pa yatang lalong nagsisidhi sa kanyang katawan ang sakit.

Hanggang sa pagdating na ni Eduardo ng sariling tahanan na hindi malimutan ang kanyang tinamong pagkabigo, na, kanyang inaasahang sa gabing yaon ay magkakatagpong walang sala sila ni Leoning. Kay pait na kapalaran naman para sa kanya ng gayon!

Kaya't kung umagang patungo siya sa kanyang pinapasukan ay halos, ang maraming taong nagsisipaglakad sa banketa ng mga iba't ibang lansangan ng siudad ay isa-isa niyang pinagsusuri. Datapwa't marami ng araw ang nakaraan ay pawang pagkabigo lamang lahat ang kanyang nagiging palad. Hindi niya makita si Eduardo. Saan nga naman niya hahanapin?

Kaya ito ang pagkabigo ni Eduardo noong gabi sa pagasang makita si Leoning. Ang kanyang pagasa ay talagang nabigo. Sadyang hindi niya makakatagpo noon si Leoning. Ang autong yaon na kanilang hinintay at maasahang kinalululanan ni Leoning ay sadyang ipinahatid ni mang Alejandro sa kanilang tahanan upang ipagbigay alam sa mga utusang huwag hintin ang kanilang pagdating.

Walang pangyayarihan kundi ang pagkabigo at pagkasayang lamang n~g panahon; kaya't ¡bayaan mo na sila't harapin mo ang sarili mong kagalin~gan, yayamang isang pagkakataóng dapat mong samantalahin ang pan~gakong binitiwan n~g may Pagawaan! Siya n~ga naman ang paayon ni Gervasio. ¿At ikaw ba, kasamang Gervasio, ay umáyon na? ang tanong ni Mauro dito.