United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Oh! ang ganyang pangungusap ay maanong hwag mo nang masasambit! Sa ngayon man ay kinakaulayaw mo ang hinagpis ay hwag mo nang sambitin sana ang "dahil sa sumpa mong nilimot" kung kaya ka luksa ang puso . Alalahanin mo lamang na ako'y isang bulaklak na nasa kasariwaan nguni't mangungulutding sa isang matinik na tangkay....

Ang lahat ay di niya malimutlimutan. Kapag ang pagibig nga naman ng isang puso ay sadyang dakila at bukal sa damdaming walang pagkupas, hindi mapawipawi sa kaibuturan ng puso na gaya na nga ng kay Eduardo. Hindi niya malimutan! Hindi niya malimutan ang lahat na siyang sanhi ng masidhing pagdaramdam ng kanyang pusong ngayon ay siyang kinakaulayaw.

¿At bakit? ¿Dalawa ba ang Elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? Hindi n~ga; datapwa't samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong Selia'y si Teang, n~gayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa.... ¿Ang Selia ko'y si Teang? ¡Isang paratang na salat na salat sa katotohanan!

Dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na, walang ibang kinakaulayaw, kundi ang mga sakit, ang mga dalamhati, ang mga dusang kapanglawan sa buhay. Oo, nga Leoning hindi na marahil hahaba pa ang kasaysayang ito, matatapos na sapagka't wala na, wala't dahil nga sa sumpa mong nilimot ay waring matatapos na ang lahat.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap