United States or Egypt ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung minsan nama'y siya nilang tinatalunton ang daang pahabay sa dagat na patugpang Pasay, at doo'y malinit silang nagtitila m~ga ibong namamayagpag n~g boong lugod at panabay na umaawit n~g isang pagiirugang walang pagkupas.... Sa "Jardin Botánico" ay madalas din namang sila ay nagpapalipas n~g mahahabang sandaling puspos n~g tamis at kaluwalhatian.
Ang lahat ay di niya malimutlimutan. Kapag ang pagibig nga naman ng isang puso ay sadyang dakila at bukal sa damdaming walang pagkupas, hindi mapawipawi sa kaibuturan ng puso na gaya na nga ng kay Eduardo. Hindi niya malimutan! Hindi niya malimutan ang lahat na siyang sanhi ng masidhing pagdaramdam ng kanyang pusong ngayon ay siyang kinakaulayaw.