United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mabalitaan ito ni Bonifacio sa pamamagitan n~g kanyang binanggit na kapatid ay hinikayat sa "Katipunan" ang dalawang yaon, na nagkaloob naman pagkatapos n~g halagang apat na raang pisong ibinili n~g palimbagan n~g masong si Antonio Salazar na mayari n~g "Bazar del Cisne," na ipinabaril din n~g m~ga kastila, at sa kanila rin galing ang salaping ibinili n~g m~ga titik sa palimbagan ni Isabelo de los Reyes, na ipinunô sa m~ga titik n~g binanggit na palimbagan.
Nagkaroon din ang "Katipunan" n~g sariling palimbagan at doo'y inilimbag ang dalawang bilang lamang n~g pahayagang tagalog na pinamagatang "Kalayaan," na inilathala n~g ika 1 n~g Enero n~g 1896. Isang 1000 ang sipi n~g unang bilang at 2000 ang ikalawá.
43. =Saan kinuha ang salaping ibinili sa Palimbagan?= Isang araw ang kapatid ni Bonifacio na nagn~gan~galang Troadio ay galing sa Australia na may kasamang dalawang kababayang taga-Kapis na nagn~gan~galan Francisco Castillo at Camilo Iban. Ang dalawang ito'y tumama sa "loteria" n~g ilang libong piso.