United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa matiyagá at masalicsic na pagsisiyasat ni Rizal ay caniyang lubós napagkilalang nagcacapantay-pantay ang caya n~g pag-iísip n~g lahát n~g m~ga láhì: putî, caymangui, mariláw, abo-abó ó itím, at yayamang gayó'y mangyayaring ipagcaloob sa isá't isá ang lahát n~g bágay na pamamahálang magalíng sa báyan, ó m~ga cautusán bagáng nagbíbigay n~g lálong malalakíng calay

Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa

"Na ang m~ga pagpintás na guinagawâ n~g m~ga taga Europa sa nan~gagcacaiba't ibang m~ga lahing may culay (ang m~ga caymangui, maitim, marilaw ó abo-abó) ay hindî mabigyang caliwanagan sa isáng matibay na catowiran; cayâ silá nagcacagayo'y dahil sa talagang handâ na ang caniláng calooban sa paniniwalâ, at dahil naman sa canilang pagcaisip na sila ang nauucol macapangyari sa m~ga láhing hindî mapuputî. Talastas n~g lahát na nan~gan~ganib ang m~ga lahing may culay na baca sila'y pawaláng halaga n~g lahing putî, at sa ganitong dahil, cung sila'y naglilingcod sa m~ga taga Europa ay malaki ang sa canila'y ikinalalamang, at bucod sa rito'y sa pagca't pinagwawárì na hindî magagamit ang lahing may culay sa m~ga linilimbag. Datapwa't cung paglilinin~gin, ang m~ga lahing may culay na canilang tinutucoy ay m~ga táong totoong timáw

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap